Ewan ko ba naman sa gobyerno talaga. Ipatitigil din naman pala ni PNoy ang demolisyon ng squatters' area sa may Barangay Pagasa sa EDSA hinayaan pang tumagal nang ilang oras. Hinayaan pa yung mga taga-demolish na sirain ang mga bahay nung mga tao at magkaroon ng kaguluhan iyon naman pala sasabihin din nung presidente na itigil indefinitely ang demolisyon. Ano ba?!
May isang matandang nakausap ng reporter ng ABS-CBN. Sabi niya 12 taon na silang naninirahan sa lugar. Ang pumasok agad sa isip ko... bakit hinayaan silang tumira ng ganon katagal kung balang araw ay paaalisin din pala sila. Bakit hindi nung una pa man din ay pinaalis na sila at binigyan ng option na manirahan nang legal sa ibang lugar?
Tapos ngayon pansamantala na yung iba inilagay na sa relocation site sa Rizal at iyong ibang pamilya ginagawa uli ang kanilang mga ginibang bahay. Tapos kapag na-lift na iyong TRO, paano na uli?
0 comments:
Post a Comment