Monday, September 7, 2009

Alaala ng 1986 People Power Revolution

Sa totoo lang, nung mga panahon na iyon, nung 1986 People Power Revolution, wala naman akong kaalam-alam. Ang tangi ko lang alam noon ay wala ang mga magulang ko at nasa Quezon Avenue, sasama sa libing ni Ninoy Aquino. Malapit kasi kami sa Sto. Domingo Church kung saan binurol ang labi ni Ninoy.

Ang isang tumatak sa akin noon ay ang mga kantang aking naririnig sa radyo at telebisyon. O sa radyo lamang ata. Ito ang mga kantang Magkaisa at Handog ng Pilipino sa Mundo. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga kantang iyan.

Nung araw na ililibing si dating presidente Cory Aquino, ang simbulo ng 1986 People Power Revolution, ang tinuturing na Ina ng Demokrasya ng Pilipinas, naluha talaga ako nang marinig ko ang mga kantang ito...






Sana, wag mabalewala ang mga sinimulan ng mag-asawang Aquino. At ng mga taong sumama at nakipaglaban noong 1986.

0 comments:

Post a Comment