Tuesday, June 16, 2009

Di na siya mahirap ngayon

Napanood niyo na ba iyong campaign ad ni Senator Manny Villar kasama si Boy Abunda? Iyong nag-uusap sila tungkol sa naging buhay noon ni Villar? Ang haba rin nun di ba? Kung di ako nagkakamali, parang isang minuto rin ang tinatagal nung commercial na 'yun. Ilang beses yun sa isang show, sa primetime ng ABS-CBN. Magkano kaya ang nagagastos ni Villar kada airing ng commercial?

May nakita akong Ad Rate raw ng ABS-CBN... P120,000/ 30 seconds ad on primetime in Mega Manila!*

Wow di ba? Ang mahal! Ibig sabihin, kung isang minuto ang tinatagal ng campaign ad ni Villar, P240,000 kada airing ng commercial ang binabayad niya! Aba!

Di na siya mahirap ngayon!

Teka naman, paano naman kaya niya babawiin ang ginagastos niya sa mga campaign ads niya? Ang aga niyang nagsimula ha. May OFW ad pa siya. May isa pang pinapakita iyong tumutulong bubong ng dating bahay raw nila. Eh di ba magkano lang naman ang suweldo ng presidente ng bansa?

At magkano naman kaya ang bayad niya kay Boy Abunda? Hmmm...

Magsimula na tayong kumilatis ng ating mga presidentiables. Mas maging mapagmantiyag na tayo!


*Source

0 comments:

Post a Comment